film 1: manipis na bálot ng sensitibong substance na nakalilikha ng larawan 2: ang rolyo na ginagamit sa paggawâ ng pelikula
video (ví•di•ó) 1: proseso ng pagrekord, pagpaparami, o pagbrodkast ng imaheng biswal sa pamamagitan ng magnetikong teyp 2: biswal na elemento ng brodkast sa telebisyon 3: video recorder 4: video film
video tape (ví•di•ó teyp) : elektromagnetikong teyp na pinagrerekordan ng mga elektronikong impulse na likha ng mga bahaging video at audio ng isang programa sa telebisyon
film noir (film nwar) : estilo o uri ng pelikulang sinematograpiko na kakikitáhan ng pesimismo, patalismo, at panganib
video game (ví•di•ó geym) : elektronikong laro na may gumagalaw na hulagway sa iskrin ng telebisyon na nakokontrol ng manlalaro
video cassette recorder (vi•di•ó ka•sét re•kór•der) : aparato na ginagamit sa pagrerekord at pagpapatakbo ng video tape